Nasaang yugto ka man ng gawaing pagpapasigla ng wika, narito ang mga bihasa at maalam na Mentor ng ELP upang mag-alok ng libreng suporta sa 11 wika.
Mayroon ka bang mga katanungan tungkol sa pagpapasigla ng wika? Naghahanap ng suporta o gabay? Narito ang mga mentor upang tulungan kang mahanap ang impormasyong kailangan mo.
Hindi ka nag-iisa sa iyong gawaing pangwika. Maaari kang maiugnay ng aming mga mentor sa mga tao mula sa ibang panig ng mundo na may katulad na mga layunin at karanasan.
Kumusta ang iyong gawaing pangwika? Ibahagi ang naging mga hamon at tagumpay sa isang bihasang mentor – nandito kami upang makinig at sumuporta.
Ang mga maalam na Mentor sa Pagpapasigla ng Wika ng ELP ay may direktang karanasan ukol sa iba't ibang wika, lugar, at mga proyekto. Alamin kung saan sila nagmula, ano na ang kanilang nagawa, at kung paano ka nila matutulungan.
Ang aming mga mentor ay pwede mag ukol ng panahon para makipag-usap sa iyo online ng 11 na iba't ibang wika! Kumuha ng libreng appointment sa isa naming mentor sa ibaba.

Salamat sa mga Mentor sa Pagpapasigla ng Wika ng ELP sa pagbahagi sa akin ng inyong oras. Ang lahat ng inyong ibinahagi sa akin ay makakatulong nang mahabang panahon. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa inyo.
May mga katanugan tungkol sa gawaing pangwika? Direktang magtanong sa ELP, o i-browse ang kanilang mga sagot sa ibang tao.
Tingnan ang kolum ng payo ng ELP upang malaman kung ano ang mga tanong ng mga tao tungkol sa pagpapasigla ng wika, at tingnan kung ano ang masasabi ng mga Tagapagturo sa Pagpapasigla ng ELP.