Makibahagi
Suportahan ang gawaing pangwika sa buong mundo sa pamamagitan ng pag-aambag ng iyong kaalaman, oras, o suportang pinansyal.
Tumulong sa Pagbuo ng Pandaigdigang Komunidad ng Pagpapasigla ng Wika

Iniuugnay ng ELP ang mga tao sa mga learning resource, ideya, at iba pang mga tagapagtaguyod ng wika – at ikaw ay mahalagang bahagi ng gawaing ito. Sa tulong mo, lumago ang komunidad ng ELP na kinabibilangan ngayon ng mga:

200+
Mga boluntaryo
7,000+
Mga language resource
80+
Mga programa sa pagpapasigla ng wika
Ibahagi ang Iyong Kaalaman

Magbahagi ng mga learning resource, impormasyon sa wika, o mga kuwento tungkol sa gawaing pangwika sa pandaigdigang komunidad.

Maging Boluntaryo

Mag-ambag ng iyong oras, kaalaman, at kasanayan upang suportahan ang mga gawaing pangwika sa buong mundo.

Mag-donate

Ang iyong donasyon ay makakatulong hindi lang sa pananatili kundi sa pag-unlad din ng mga nanganganib na wika sa mundo.

Bakit Mahalagang Makibahagi sa ELP?

Ang ELP ay isang espasyo ng kolaborasyon kung saan maaaring matuto, makipag-ugnayan, at magbahagi ng kaalaman nasaang panig ka man ng mundo. Maraming paraan upang makapag-ambag at makibahagi, maging sino ka man. Inaanyayahan ka naming ibahagi ang iyong mga kasanayan, oras, at kaalaman sa pandaigdigang komunidad.

Maging Bahagi ng isang Pandaigdigang Komunidad

Hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. At mas malakas tayo kung sama-samang nagtutulungan – kung ibinabahagi natin ang ating mga pananaw, ideya, at mga kuwento.

Alamin ang Tungkol sa Gawaing Pangwika

Mapapalawak ng pakikibahagi sa ELP ang iyong kaalaman, ikaw man ay taong kumikilos para pasiglahin ang iyong sariling wika, isang mag-aaral ng linggwistiks na wala pang kasanayan, o baguhan sa larangan ng pagpapasigla ng wika.

Tumulong sa Pagbuo ng Mas Makatarungang Mundo

Ang mga komunidad sa buong mundo ay nagdusa ng maraming siglo sa ilalim ng kolonisasyon, karahasan, at diskriminasyon. Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga nanganganib, katutubo, at minoriyang wika, nagpapahayag tayo ng pagtutol sa pang-aapi at ng paghingi ng hustisya.

Sundan ang Aming Gawain

Manatiling may alam sa mga pinakabagong balita, kuwento, at mga usapan tungkol sa pagpapasigla ng wika. Makipag-ugnayan sa ELP sa pamamagitan ng social media at ng aming email newsletter.

Image
Children Dancing Interior